3 Valency (pagkombinasyon) at ang grammatikal rules
Sa kabanatang ito, pag-uusapan natin ang interaksyon sa pagitan ng grammatikal rules at ang impormasyon sa pagkombinasyon o valency. Mula sa kemistri ang konsepto ng "valency". Makakabuo ng kemikal bonds ang isang atom sa ibang atoms para magbuo ng mga molekyul na humigit-kumulang ay stablè. Mahalaga para sa stabilidad ang kung anong valency shell (o elektron shell) ang meron sa isang klase ng atom. Makakabuo lang ng stableng kemikal bond sa ibang atom kapag lamang mapupuno ang electron shell ng mga shared electrons. Ang valency number ng mga atom ng isang element ay ang bilang ng mga hydrogen atoms na pwedeng magbond sa element na iyan. Sa kemikal kompound H2O, may valency 2 ang oxygen. Mahahati ang mga elements sa valency classes. Ang mga elements na may partikular na valency ang batayan ni Mendeleev sa pag-organisa sa mga kolum ang impormasyon tungkol sa mga elements sa Periodic Table.
(the chemical meaning referring to the "combining power of an element" is recorded from 1884, from German Valenz.[1] )
Ginamit ang konsepto ng valency sa linggwistiks ni Tesnière (1959): kailangan ng isang Head ang tiyak na bilang ng mga Argument, para magkaroon ng stablèng bond (o phrase structure). Ang salita na pareho ang valency -- ang tamang bilang at uri ng argument -- ay nagbubuo ng isang valency class (halimbawa: intransitive verbs, transitive verbs at ditransitive verbs, na nagkokombinasyon sa 1, 2 o 3 argument). Pareho ang /behavior ng mga miyembro ng isang valence class kaugnay ng mga kombinasyon o phrases na nabubuo niya. Sa Larawan 3.1 makikita ang mga halimbawa galing kemistri at linggwistiks.
[]
Larawan 3.1 Ang kombinasyon ng oxygen at hydrogen, at ang kombinasyon ng isang verb sa kanyang mga arguments.
Sa sumusunod na parte, ipinapakita kung paano ang pagrepresent ng valency information, para imbis na maraming partikular na phrase structure rules pwedeng gumamit na lang ng ilang mas general na schemata (o balangkas na rules) para magbigay-lisensya sa syntactic structure.
3.1 Ang pag-represent ng impormasyon tungkol sa valency